Loading...
HomeMy WebLinkAboutPosted 07/07/2022 | Public Notice - Notice To Voters Of Date After Which No Arguments For Or Against City Measure May Be Submitted To The City Clerk (Tagalog) City of Gilroy 7351 Rosanna Street | Gilroy, CA 95020-6197 Phone: (408) 846-0204 | Fax: (408) 846-0500 www.cityofgilroy.org PUBLIC NOTICE PAUNAWA SA MGA BOTANTE NG PETSA NA PAGKARAAN AY WALA NANG MGA PANGANGATWIRAN NA PANIG O LABAN SA (ISANG/MGA) PANUKALA NG LUNSOD NA MAAARING IHARAP SA KLERK NG LUNSOD ANG PAUNAWA AY IBINIBIGAY na ang isang Espesyal na Halalang Munisipal ay gaganapin sa Lunsod ng Gilroy sa Martes, Nobyembre 8, 2022, kung saan ihaharap sa mga botante ang sumusunod na (mga) Panukala: BAHAGDAN _____ Kontrata hinggil sa Pagbili ukol sa Konstruksiyon at Paunawang Pampubliko sa Modernisasyon Nararapat ba na amvendahan ang Pagbabago sa Lungsod ng Gilroy: • lbahin ang hangganan ng bidding mula $35,000 sa halagang otorisado ng California Public Contract Code Section 22032; • Pagtibayin ang otoridad upang makabili para sa Disenyo-Paggawa at Pinakamagal i ng na Halaga ng kontrata; • Payagan ang modernisasyon paunawang pampubliko? OO HINDI ANG PAUNAWA AY IBINIBIGAY RIN na alinsunod sa Artikulo 4, Kabanata 3, Dibisyon 9 ng Kodigo sa mga Halalan ng Estado ng California, ang pambatasang lupon ng Lunsod, o sinumang miyembro o mga miyembro nito na inawtorisa ng lupon, o sinumang indibidwal na botante o kinilalalang tunay na kapisanan ng mga mamamayan, o anumang kombinasyon ng mga botante at kapisanan, ay maaaring magharap ng isang nakasulat na pangangatwiran, hindi lalampas sa 300 salita, kasama ang nakalimbag na (mga) pangalan at (mga) pirma ng (mga) awtor na nagharap nito, o kung iniharap sa ngalan ng isang organisasyon, ang pangalan ng organisasyon, at ang nakalimbag na pangalan at pirma ng isa o higit na mga pangunahing opisyal na siyang awtor ng pangangatwiran, panig o laban sa (mga) panukala ng Lunsod. ANG PAUNAWA AY IBINIBIGAY RIN na, batay sa panahon na makatwirang kailangan upang ihanda at ilimbag ang mga pangangatwiran at halimbawang balota para sa halalan, itinakda ng Klerk ng Lunsod ang Huwebes, Agosto 11, 2022, sa mga pangkaraniwang oras ng opisina, gaya ng ipinahayag, bilang ang petsa na pagkaraan ay walang mga pangangatwiran na panig o laban sa (mga) panukala ng Lunsod na maaaring iharap sa klerk para sa pagpapalimbag at pamamahagi sa mga botante gaya ng itinatadhana sa Artikulo 4. Ang mga pangangatwiran ay dapat iharap sa Klerk ng Lunsod, kasama ang (mga) nilimbag na pangalan at (mga) pirma ng (mga) awtor na naghaharap nito, o kung iniharap sa ngalan ng isang organisasyon, ang pangalan ng organisasyon, at ang nakalimbag na pangalan at pirma ng isa o higit ng mga pangunahing opisyal na siyang awtor ng pangangatwiran, sa Tanggapan ng Lunsod, Gilroy, California. Ang mga pangangatwiran ay maaaring baguhin o bawiin hanggang sa at kabilang ang petsa na itinakda ng Klerk ng Lunsod. ANG PAUNAWA AY IBINIBIGAY RIN na ang konseho ng lunsod ay nagpasiya na ang mga sagot sa pangangatwiran, hindi dapat humigit sa 250 salita ang haba, na iniharap ng mga awtor ng mga sumasalungat na tuwirang pangangatwiran, ay maaaring iharap sa klerk, kasama ang nakalimbag na (mga) pangalan at (mga) pirma ng (mga) awtor na nagharap nito, o kung iniharap sa ngalan ng isang organisasyon, ang pangalan ng organisasyon, at ang nakalimbag na pangalan at pirma ng isa o higit ng mga pangunahing opisyal nito na siyang awtor ng pangangatwiran, hindi hihigit sa 10 araw pagkaraan ng pangwakas na petsa para sa paghaharap ng mga tuwirang pangangatwiran. ANG PAUNAWA AY IBINIBIGAY RIN na ang anumang ordinansa, walang-pinapanigang pagsusuri, o tuwirang pangangatwiran na iniharap sa ilalim ng awtoridad ng mga kodigo sa mga halalan ay makukuha para sa pagsusuri ng publiko sa opisina ng klerk nang hindi kukulangin sa 10 araw ng kalendaryo mula sa huling araw para sa paghaharap ng mga pangangatwiran at (mga) pagsusuri. Ang anumang sagot sa pangangatwiran na iniharap sa ilalim ng awtoridad ng mga kodigo sa mga halalan ay makukuha para sa pagsusuri ng publiko sa opisina ng klerk nang hindi kukulangin sa 10 araw ng kalendaryo mula sa huling araw ng paghaharap ng mga pangangatwiran at (mga) pagsusuri. TAKDANG PETSA: Huwebes, Hulyo 7, 2022 /s/ Thai Nam Pham, CMC, CPMC Kawani ng Lungsod/Opisyal ng Halalan T A G A O G